A daughter of Zeus. Prince Charming's Ex-girlfriend. Found out he wasn't THAT charming after all.




Read the Printed Word!

Pagkatapos nito, tapos na. Sana.

March 29, 2004.

Nasa bus tayo. Nanlalamig mga kamay ko, kasi alam ko, uno lahat ng grade mo sa mga subject na binagsak mo nung first sem. Sabi ko kasi, sasagutin kita pag naging uno lahat ng grade mo. Gusto naman kita, pero, natatakot ako? Kasi, first boyfriend kita kung sakali e.

Pero nakangiti ka, at nawala takot ko. Naging tayo, kahit na alam ko, patay ako sa magulang ko kasi bawal nga ang boyfriend hangga’t di tapos ng college.

Fast forward ng 3 years. Ang saya ko. Sobra. Pakiramdam ko, ako na ang pinakamagandang prinsesa sa mundo. Kaya nga prinsesa tawag mo saken dati diba? Lahat ng username ko, ganun. Kasi, ako lang prinsesa mo.

Unang break up. Ang sakit. Pakiramdam ko, gumunaw mundo ko. OA, pero ganun e. Ayaw mo kasi ng away. Sating dalawa, ako ang maingay, ikaw ang tahimik. Sino ba may gusto ng away? Kaya lang naman ako nang aaway kasi wala ka ng time. 

Naging tayo ulit. After.. 3 months? Di ko na tanda, ang alam ko lang, masaya nako ulit nun. Dalawang taon ulit ang dumaan, masaya tayo. Kaso, may away pa rin. Sinisisi mo trabaho ko. Nagagalit ako kasi wala kang oras saken. Sabi ko nga diba, ok lang walang tulog, basta kasama ka.

Pero nauulit na naman. This time, wala ka ng time, kasi una parati mga kaibigan mo. Anniv naten? Who cares? Mas importanteng kasama ko yung katrabaho kong maglipat ng gamit sa apartment nya kesa sa anniv ng girlfriend ko no. Meet up with her mom and dad? Pake ko? Mas masarap maglaro ng bingo kasama ng workmates ko.

Para akong tangang iyak ng iyak sa elevator nun. Di ko alam kung pano ako nakapagtrabaho ng maayos nung araw na yun. 

Ikaw pa nakipagbreak nun, kasi, ayaw mo ng commitment. Naisip ko, wow, after 6 years, tsaka mo lang naisip na ayaw mo pala ng commitment. Ako ulit si tanga, iyak na naman. Yun lang naman magagawa ko. 

After 6 months nun, naging tayo ulit. Sabi mo subukan ulit naten, saken naman, kahit ano, basta tayo ulit. Ganun kita kamahal e.

Last year, final na. Ikaw pa rin nangiwan. Kasi, di mo na alam kung ano gusto mo. Di mo pa kasi sabihin saken ng diretso na may gusto kang iba e. Ganun naman mga lalake diba? 

‘Bestfriend pa rin kita, walang magbabago dun.’ Ultimate downgrade, tsong. Sana nagsorry ka na lang na nakasakit ka, pero never mo ginawa yun. Ako pa nagsorry sayo. 

Nagagalit ako sa sarili ko, kasi iniiyakan parin kita. Naiinis ako sa sarili ako, kasi lahat ng kantang gusto ko, ikaw ang nagpakilala saken. Nawalan ako ng ganang magsulat, kasi di na ko naniniwala sa love. Dahil pa rin sayo. Di ko mapatawad sarili ko, kasi, ang hirap mong kalimutan. At di ko matanggap, na ang saya-saya mo. 8 months na nakakaraan, pero ganun pa din.

Sana, sa bago mo ngayon, gawin mo sa kanya yung di mo nagawa saken. Magpakilala ka ng maayos sa parents nya. Wag mo sya babaliwalain, kung may time ka sa barkada mo, dapat, di mo winawalang bahala ang anniversary nyo, o monthsary. Dapat, ako na ang huling babaeng sasaktan mo.

Sana, dumating yung umaga na di na ko iiyak kasi di ka na akin.